9-anyos ni-rape slay sa plantasyon ng tubo

BACOLOD CITY Isa na namang menor-de-edad na babae na pinaniniwalaang hinalay ang natagpuang patay sa plantasyon ng tubo sa Hacienda Diosana na sakop ng Barangay Jerusalem, Cadiz City, limang araw matapos na i-report ng mga magulang na nawawala ang bata.

Nadiskubre noong Biyernes ang bangkay ni Rosalia Almodiel, siyam na taong gulang na nasa state of decomposition.

Ayon sa pulisya, ang katawan ng biktima ay tadtad ng saksak ng patalim at pinalalagay na ginahasa ng hindi pa nakikilalang killer.

Si Almodiel na isang grade 3 pupil sa Barangay Jerusalem Elementary School ay umalis ng bahay noong Enero 19 hanggang sa i-report sa himpilan ng pulisya na nawawala, ayon sa ulat ni P/Chief Insp. Leo Irwin Agpangan.

Magugunita na nitong unang araw ng buwang kasalukuyan ay nadiskubre ang bangkay ni Analee Cañete, 21, sa plantasyon ng tubo sa Barangay Guinhalaran, Silay City at sinundan naman ng biktima ng rape-slay na si Rea Jessa Carreon, 10, na natagpuan sa Barangay Montilla, Moises Padilla noong nakalipas na buwan. (Ulat ni Antonieta B. Lopez)

Show comments