Ayon kay Commodore Oscar Endona, Coast Guard station commander ng Samar, ang mga nawawalang pasahero ng M/B Larry Boy ay sina Councilor Gregorio Fraynes ng Sangguniang Bayan ng Biri, ang ama nitong si Benjamin; Victor Amandieta, Al Luna, Tito Arca, Macario Concha, Jaime Castro at Dexter Nebreda na pawang residente ng Biri town.
Umalis umano ang nasabing bangka lulan ang mga biktima kahapon ng umaga sa Matnog Port, Northern Samar patungo sa Biri island.
Nakasagupa umano ng malalaking alon ang nasabing bangkang de motor na pag-aari ni Salvador Quinao habang naglalakbay ito sa karagatan hanggang sa lumubog ito.
Sinabi naman ni Supt. Alberto Mendador, Northern Samar police provincial director, overloaded umano ang bangka kaya ito lumubog habang naglalakbay sa karagatan.
"Ang maximum passenger capacity nito ay 10 lamang at 6-tons lamang ang dapat ikarga ng bangkang ito pero bukod sa 8 pasaherong sakay ay may lulan pa itong mga construction materials," wika pa ni Supt. Mendador.
Nagsasagawa ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard at lokal na pulisya upang masagip at mahanap ang nawawalang mga pasahero ng lumubog na bangka habang kinukuwestyon naman ng Maritime authorities ang may-ari ng bangka. (Miriam Garcia Desacada)
Ang biktima ay nakilalang si Arnulfo Majecras, 33, mananahi sa garment factory at nakatira sa Brgy. San Juan ng bayang ito.
Ayon sa ulat ni PO2 Manuelito Inosanto, bandang alas-6:16 ng umaga kahapon ng madiskubre ang bangkay ng biktima sa harap ng bahay nito.
Nakabitin ang bangkay ng biktima sa puno ng Langka kung saan ay nakapulupot ang kumot sa leeg nito na nakatali naman sa sanga ng nasabing puno.
Napag-alaman ng pulisya na nakipag-break sa biktima ang boyfriend nitong si Edwin Dio noong Enero 19 at magmula noon ay naging balisa na ang bakla.
Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na dinamdam ng husto ng biktima ang ginawang pag-iwan dito ng kanyang lover hanggang sa mag-suicide na lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigti. (Ulat ni Joy Cantos)
Ang nasawi matapos manlaban sa mga awtoridad ay nakilalang si Leonardo Patanao, 36, may kasong robbery with homicide at nakatira sa GMA, Cavite.
Ang mga puganteng pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ay nakilalang sina Hector Benavente, 38, may kasong murder; Nasaero Marcaida, 24, may kasong robbery at carnapping; at Christopher Taule, 28, may kasong carnapping at robbery.
Nabigo naman ang presong si Jovy Azante, 23, may kasong murder na tuluyang makapuga matapos itong maaresto ng mga jailguards sa naganap na jailbreak.
Ayon sa ulat, bandang alas-5:55 ng umaga kahapon ng matunugan ng mga jailguards na sina Oscar Mendoza at Pio Rivera ang planong pagtakas ng mga preso mula sa nasabing jail.
Nilagari umano ng mga preso ang bintana ng kanilang selda hanggang sa dito dumaan ang mga ito.
Kaagad hinabol ng mga jailguards ito hanggang sa mapatay si Patanao ng manlaban ito habang naaresto naman si Azante samantalang tuluyang nakapuga naman ang 3 inmates na kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Ang tinangkang iligpit ng NPA ay si PO3 Villando Ablan Jr., 37, may-asawa at pulis-Mobo. Tinamaan naman ng ligaw na bala ang bystander na si Renato Jaca. (Ulat ni Ed Casulla)