^

Probinsiya

Pagawaan ng baril sinalakay

-
MAUBAN, Quezon — Sinalakay ng pulis-Mauban ang pagawaan ng malalakas na kalibre ng baril na pinaniniwalaang ibinebenta sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang makatanggap ng impormasyon kamakalawa ng hapon sa Sitio Bicol Block, Barangay Soledad sa bayang ito.

Inaresto naman ang may-ari ng pagawaan ng baril na si Salvador Pacubar, 62, may asawa matapos na makumpiska ang iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril na bagong kumpuni.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Dante Suarez, hepe ng pulisya sa bayang ito, isinagawa ang pagsalakay dakong alas-3 ng hapon sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Obnamia ng Mauban Municipal Trial Court.

May palagay si Suarez na nakatunog at nakatakas ang ibang trabahador ni Pacubar bago pa salakayin ang kanyang bahay.

Pinaniniwalaan namang supplier ng baril si Pacubar sa mga rebeldeng New People’s Army. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY SOLEDAD

CHIEF INSP

DANTE SUAREZ

JUDGE OBNAMIA

MAUBAN MUNICIPAL TRIAL COURT

NEW PEOPLE

PACUBAR

SALVADOR PACUBAR

SITIO BICOL BLOCK

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with