Ukay-ukay, luxury car nasabat sa Subic
January 18, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY Freeport Ibat ibang uri ng imported used clothing o ukay-ukay at isang luxury car ang nasabat ng mga awtoridad matapos tangkaing ipuslit ito lulan ng isang 40-footer container van sa Customs clearance area kamakalawa.
Sa isinumiteng report ni Customs Police deputy chief for operations Capt. Marlon Almeda kay Enforcement and Security services chief Cap. Elipidio Manuel, nadiskubre ang kontrabando sa isinagawang "spot checking" ng mga tauhan ng ESS sa isang 40-footer container van.
Ayon kay Almeda, nakasaad sa ipinakitang papeles ng isang Roger Alicame sa mga customs authorities na ang laman ng van ay isang motor vehicle.
Nang buksan ang van ay laking gulat ng mga awtoridad ng bumulaga sa kanila ang 32 Pales ng imported used clothing kung saan ay tinabunan nito ang isang Mercedez Benz na 4 door Sedan (1998 model) na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.
Ang kontrabando ay pag-aari umano ng isang Arnold Napalan ng 830 Rizal Ave., East Tapinac, Olongapo City at isang hindi rehistradong importer sa Subic na Goldlink Steamship Inc. ang gumamit para maangkat ang mga damit at sasakyan.
Nagpalabas naman ng warrant of seizure and detention kaagad si Subic Customs collector Atty. Emelito Villaruz para sa agarang pagkumpiska sa mga kontrabando dahil sa paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 14 hours ago
By Cristina Timbang | 14 hours ago
By Tony Sandoval | 14 hours ago
Recommended