^

Probinsiya

Navy man na 'gas chamber' sa loob ng kotse

-
SILANG, Cavite Isang sundalo ng Philippine Navy na natulog sa loob ng kanyang kotse ang natagpuang patay na hinihinalang nalason sa ibinubugang kemikal ng kanyang car air-con kahapon ng umaga sa Barangay Old Bulihan ng bayang ito.

Kinilala ni Chief Inspector Conrado Gon-Gon, chief of police ng bayang ito, ang biktima na si Mauricio Ramos, 36 anyos, nakatalaga sa Sangley Point at naninirahan sa Barangay Bulihan.

Batay sa pahayag ni Marilyn de Castro, pamangkin ng biktima, hinanap niya ang kanyang tiyuhin hanggang sa makita na nasa loob ito ng kanyang nakaparadang kotse.

Inakala naman nito na natutulog lamang ang kanyang tiyuhin pero ng pinipilit na nitong gisingin ang sundalo ay hindi na ito magising.

Ayon kay PO1 Dennis Patambang, may hawak ng kaso, posibleng nalason sa ibinubugang kemikal ng air-con sa loob ng kanyang sasakyan ang naging sanhi ng kamatayan ng sundalo.

Walang nakitang mga sugat o pasa sa katawan ng biktima.

Napag-alaman pa ng pulisya mula sa kamag-anak ng sundalo na palagi itong natutulog sa loob ng kanyang kotse at nakabukas ang air-con nito.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung mayroong sakit sa puso o inatake ang sundalo kaya hindi na ito nagising habang natutulog sa loob ng kanyang sasakyan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BULIHAN

BARANGAY OLD BULIHAN

CHIEF INSPECTOR CONRADO GON-GON

CRISTINA GO-TIMBANG

DENNIS PATAMBANG

KANYANG

MAURICIO RAMOS

PHILIPPINE NAVY

SANGLEY POINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with