Bus nahulog sa bangin: 1 todas,33 sugatan
January 8, 2003 | 12:00am
CARRANGLAN, Nueva Ecija Maagang kinalawit ni Kamatayan ang nakabakasyong drayber, samantala, 33 pasahero naman ang iniulat na nasugatan kabilang na ang dalawang nasa kritikal na kondisyon makaraang mahulog sa bangin ang pampasaherong bus sa hangganan ng Nueva Ecija at Nueva Vizcaya kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima na naipit ng bakal sa pagkakaupo ay nakilalang si Peregrino Capalungan, samantala, ang dalawang malubhang nasugatan ay sina Melencio Aganga at Tito Barcelonia na kapwa residente ng Ilaan, Isabela.
Kasalukuyan namang bineberipika ang mga pangalan ng pasahero na isinugod sa ibat ibang ospital matapos ang aksidente na naganap dakong ala-una ng madaling-araw.
Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Auto Bus na si Mario B. Hernandez, 37, may asawa at residente ng Barangay Upi, Gamu, Isabela.
Napag-alaman sa inisyal na ulat ng pulisya, paakyat ang bus sa pakurbadang daan sa may Dalton Pass at nag-over take sa isang kotse subalit nawalan ng giya ang aircon bus kaya nawalan ng kontrol at bumangga sa pader na bato bago nagtuluy-tuloy na bumulusok sa bangin. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Cristina Timbang | 22 hours ago
Recommended
November 4, 2024 - 12:00am
November 2, 2024 - 12:00am