Jailguard timbog sa kotong
January 7, 2003 | 12:00am
CITY OF MALOLOS, Bulacan Bumagsak sa kamay ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang babaeng jail guard ng Bulacan provincial jail sa kasong extortion makaraang mangikil ng malaking halaga mula sa dating naarestong babae na nag-iingat ng marijuana.
Kinilala ni Bulacan CIDG chief P/Chief Insp. Eliseo Cruz, ang suspek na si Cristina Aninion, 45, residente ng Barangay Guinhawa, samantala, ang dalawang kasama ni Aninion na sina Joselito Pingol at Arlene Sebastian ay hindi na pumasok matapos na madakip ang suspek.
Ang nagreklamong biktima ay nakilalang si Regina Vicente, 20 ng Barangay Sta. Ines, Plaridel, Bulacan na dating dinakip ng suspek sa pag-iingat ng marijuana habang bumibisita sa kanyang ama na si Augusto Vicente na nakapiit sa naturang kulungan.
Sinabi ni Cruz na kinotongan ng suspek si Regina ng P10,000 upang hindi isampa ang kasong illegal possession of illegal drugs.
Nagkataon namang walang maibigay na pera ang biktima kaya pansamantalang ibinigay kay Aninion ang Kymco scooter, cellular phone at P4, 200.
Matapos ang pangyayari ay nagdesisyon si Regina na ipagbigay-alam ang pangyayari kay Noel Santiago, regional news director ng Iglesia Ni Cristo at ipinabatid namang kay Cruz kaya kaagad naman dinakip ang suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest