^

Probinsiya

Misis ni-rape, pinatay sa harap ng anak

-
CAMALIG, Albay – Pinaniniwalaang pinasukan ng masamang espiritu ang isang 30-anyos na lalaki kaya nagawa nito ang maitim na balak at patayin pa ang kanyang kapitbahay na misis sa harap ng sariling anak ng biktima sa Barangay Libod sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Animo’y tinadtad na karne ng hayop ang katawan ng biktimang si Maribel Magdamit, 28, may-asawa, samantala, ang suspek na nadakip sa bayan ng Daraga, Albay sa isinagawang follow-up operation ay nakilalang si Agustin Llorag Jr., 30, may-asawa at kapitbahay ng biktima sa nabanggit na barangay.

Napag-alaman sa pagsisiyasat ng pulisya na isinagawa ang krimen dakong alas-3 ng madaling-araw sa sariling bahay ng biktima at mismong sa harap ng anak na si Edwin Magdamit Jr., anim na taong gulang na nagtago lamang sa ilalim ng kanilang kama upang hindi makita ng suspek.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na kasalukuyang natutulog ang biktima nang pasukin sa loob ng kuwarto at nasaksihan ng bata na matapos isagawa ang maitim na balak ay kinaladkad papalabas ang kanyang ina saka pinagtataga ng itak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Natagpuan lamang ang bangkay ng biktima ng kanyang mister bandang alas-5:30 ng umaga may limang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay matapos na manggaling sa trabaho.

Nadakip naman ang suspek dakong alas-8 ng umaga sa nabanggit na bayan habang naghihintay ng masasakyan patungong Maynila.

May palagay ang pulisya na matagal na binalak ng suspek na isagawa ang krimen ngunit kahapon lamang nakatiyempo dahil na rin sa masamang pagnanasa laban sa biktima. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AGUSTIN LLORAG JR.

ALBAY

BARANGAY LIBOD

BIKTIMA

DARAGA

ED CASULLA

EDWIN MAGDAMIT JR.

MARIBEL MAGDAMIT

MAYNILA

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with