Maliban sa sinunog ang sampung kabahayan ay pinagnakawan pa ang mga residente habang ang iba naman ay nakuhang tumakas sa takot na mapatay ng mga rebelde.
Sa pahayag ni P/Chief Supt. Simeon Dizon, Police Regional Office (PRO-9) director na karamihan sa mga residenteng sinunog at pinagnakawan ng mga rebelde ay nakorner at hindi nakuhang tumakas kaya nasugatan.
Inatasan na ni Major General Glicerio Sua ng 1st Infantry Division ng Phil. Army, ang kanyang mga tauhan na tugisin ang mga rebelde.
Hindi naman madetermina ni Sua kung ang grupong nanunog ay siya ring nagsagawa nang pananambang laban sa mga minero sa hangganan ng Siocon at Zamboanga del Norte noong Disyembre 26 na ikinasawi ng 13 katao at ikinasugat ng siyam. (Ulat ni Roel Pareño)