^

Probinsiya

Paslit nailigtas sa 'kidnaper' na maid

-
Isang apat-na-taong gulang na batang lalaki ang iniulat na nailigtas ng mga awtoridad makaraang dukutin ng kanilang katulong na babae sa pinapasukang day care center sa San Pedro, Laguna noong Lunes ng umaga, Disyembre 9, 2002.

Ang biktima na nailigtas noong Biyernes ng madaling-araw ay nakilalang si Ralph Cepheus D. Abregar, ng Barangay San Vicente, Rosario Complex, San Pedro, Laguna.

Samantala, ang suspek na kidnaper na ngayon ay nakakulong sa San Pedro police station ay nakilalang si Sonia Regamot, 18, ng Brgy. Paulba, Ligaw City, Bicol.

Sinabi pa ng lola ng bata na si Regamot ay inirekomenda lamang sa kanila may apat na buwan na ang nakalilipas at hindi inakalang dudukutin ang kanyang apo.

Sa panayam ng PSN sa pamilya ng biktima, sinundo ng suspek ang biktima sa pinapasukang Rosario Complex Day Care Center noong Lunes dakong alas-11:45 ng umaga.

Imbes na iuwi, ang bata ay isinakay ng suspek sa FX Tamaraw patungong Brgy. Pala-pala, Dasmariñas, Cavite hanggang sa dalhin nito sa kanilang lalawigan.

Dito na ipina-blotter ng pamilya Abregar ang pagkawala ng bata hanggang sa nakipag-ugnayan ang opisyal ng Department of Social Welfare and Development sa Albay sa sangay ng DSWD sa San Pedro Laguna na may namataang kakaibang bata na naka-uniporme pa ng kanyang eskuwelahan.

Ayon sa lola ng bata, bandang alas-2 ng madaling-araw nang dumating sa kanilang bahay ang biktima, samantala, sasampahan naman ng kaukulang kaso ang suspek sa ginawang pagdukot sa bata. (Ulat ni Mario D. Basco)

ABREGAR

BARANGAY SAN VICENTE

BRGY

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

LIGAW CITY

MARIO D

RALPH CEPHEUS D

ROSARIO COMPLEX

ROSARIO COMPLEX DAY CARE CENTER

SAN PEDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with