^

Probinsiya

Iniwan ni misis, mister nag-suicide

-
SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Naging malungkot na Kapaskuhan ang sinapit ng isang mister na iniwan ng sariling misis na nagdesisyong magbaril sa ulo sa kanilang bahay sa Brgy. San Anton sa bayang ito kamakalawa.

Walang buhay na bumulagta ang biktimang si Efrenilo De Lara matapos na magbaril sa noo ng kalibre .38 baril na paltik.

Napag-alaman sa ulat na isinumite kay P/Supt. Danilo Delos Santos, hepe ng pulisya sa bayang ito, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-11:30 ng umaga makaraang magtungo ang kanyang pinsang si Pedro De Lara sa bahay.

Base sa impormasyong nakalap ng pulisya, ang biktima ay iniwan ng kanyang misis noong nakaraang buwan at nakisama sa ibang lalaki sa Cebu at simula noon ay napansin na ng ilang kapitbahay na naging malulungkutin na hanggang sa isagawa ang pagpapakamatay. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BRGY

CEBU

CHRISTIAN RYAN STA

DANILO DELOS SANTOS

EFRENILO DE LARA

KAPASKUHAN

NAPAG

NUEVA ECIJA

PEDRO DE LARA

SAN ANTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with