4-anyos na kinidnap ng adik na katulong para ibenta nasagip
December 15, 2002 | 12:00am
Matagumpay na nabawi ng mga operatiba ng pulisya ang 4-anyos na batang lalaki na kinidnap ng adik na katulong kamakalawa sa Ligao City, Albay.
Sa report kay Philippine National Police (PNP) Chief P/Deputy Director General Hermogenes Ebdane, kinilala ang nailigtas na biktima na si Cephues Abregar, 4, estudyante ng Rosario Complex Day Care Center, at residente San Pedro, Laguna.
Tinutugis naman ng awtoridad ang katulong ng mga Abregar na nakilalang si Sonia Remogat, 19, makaraang makatakas sa pulisya habang isinasagawa ang imbestigasyon hinggil sa kaso.
Nabatid sa ulat na ang biktima ay tinangay ng suspek nitong nakalipas na Disyembre 9 matapos na ipagbigay-alam ng mga magulang ni Abregar ang pagkawala ng anak sa San Pedro Municipal Police Station sa lalawigan ng Laguna.
Bandang alas-9 ng umaga nitong nakaraang Huwebes nang mamataan ng mga elemento ng Ligao City Police ang suspek at batang biktima na palakad-lakad sa bisinidad ng Brgy. Paulba na kumikilos ng kahina-hinala at umanoy bangag sa ipinagbabawal na droga.
Dahil dito hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang tropa ng pulisya at si Brgy. Chairwoman Shirley Buban ng Brgy. Paulba at hinarang kaagad ang suspek.
Samantala, habang bineberipika ng awtoridad ang paha-yag ni Remogat na taga-Brgy. Bacong, ay mabilis itong nakapuslit sa mata ng mga kawani ng Brgy. Paulba.
Natukoy na ang bata ay kinidnap ng kanilang katulong matapos na tawagan ang amo nito.
Dahil dito, pakay ngayon ng pagtugis ng pulisya si Remogat, gayong si Abregar ay inilipat sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para masundo ng kanyang mga magulang. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest