Duguang nakabulagta nang madiskubre ang bangkay ni Edgardo Cantara, 45, may asawa, samantala, positibo namang kinilala ng anak nito ang isa sa suspek na si Modesto "Abel" Araza na mabilis na tumakas matapos isagawa ang pamamaslang dakong alas-3:45 ng hapon.
Napag-alaman sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Ricardo Padilla, Quezon PNP provincial director na kinainggitan ang biktima sa negosyong pagbenbenta ng seafoods sa kanilang barangay kaya pinalalagay na pinatahimik upang masolo ang negosyo na naiwan ni Cantara. (Ulat ni Tony Sandoval)