Mga bus ng Fallcon Liner pinalitan ng kulay at pangalan
December 8, 2002 | 12:00am
DAET, Camarines Norte - May posibilidad na may maganap na namang malagim na trahedya kapag walang aksyon ginawa ang kinauukulan laban sa pagmamay-ari ng Falcon Bus Liner dahil sa pinapalitan lamang ng kulay at pangalan ang kanilang mga pampasaherong bus upang maibiyahe sa darating na Kapaskuhan.
Ito ang napag-alaman ng PSN sa mapagkakatiwalaang source kamakalawa na nagmamadaling pinapalitan ang kulay at pangalan ng mga pampasaheorng bus ng Falcon Liner na ipinatigil na ang operasyon dahil sa naganap na malagim na trahedya sa nabanggit na lalawigan na ikinasawi ng 33 pasahero at ikinasugat ng malubha ng anim pang iba noong Lunes ng madaling-araw, Nobyembre 25, 2002.
Napag-alaman pa na maging ang mga pampasaherong bus na pagmamay-ari ng magulang ni Efren Villamonte na matatagpuan sa Barangay Singko-Daet ay sinisimulan nang palitan ng kulay at pangalan upang maipagpatuloy ang biyahe.
Nabatid pa na walang aksyon ang LTO-Daet laban sa pagpapalit ng pintura at pangalan ng naturang kompanya ng bus na pinaniniwalaang nakipag-ugnayan na sa ibang kompanya ng mga pampasaherong bus para mapalitan ang pangalan. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 6 hours ago
By Victor Martin | 6 hours ago
By Omar Padilla | 6 hours ago
Recommended