^

Probinsiya

P.35-M public toilet pinabubusisi

-
GENERAL SANTOS CITY Pormal na bubusisiin ng Sangguniang Panlungsod ang ginawang pampublikong palikuran sa Barangay Batomelong sa lungsod na ito na nagkakahalaga ng P.350-milyon.

Sa pahayag ni Councilor Jose Mari Natividad, chairman ng Sanggunian Committee on Infrastructure sa mga mamamahayag na walang whitewash sa isasagawang imbestigasyon kahit na sinuman ang masagasaan.

Ang anomalya ay nadiskubre makaraang magsagawa ng evaluation ng project ang City Planning and Development Office (CPDO) at napag-alaman din na hindi nag-comply ang kontratista sa specifications ng programa.

"Ang malaking halaga na naipagpagawa ng pampublikong palikuran ay maipagpapatayo na ng isang gusali ng paaralan," ani Natividad.

Sa ulat ni Natividad na isinumite kay Mayor Pedro Acharon Jr., lumalabas na ang halagang dapat magastos sa isang regular toilet ay P60,000, "kaya magiging pinaka-expensive public toilet sa buong mundo ang proyekto sa Brgy. Batomelong," dagdag pa ni Natividad.

Binalaan pa ni Natividad na mananagot ang kontratista kapag napatunayang substandard ang ginamit na materyales sa pampublikong palikuran. (Ulat ni John Paul Jubelag)

BARANGAY BATOMELONG

BATOMELONG

BINALAAN

CITY PLANNING AND DEVELOPMENT OFFICE

COUNCILOR JOSE MARI NATIVIDAD

JOHN PAUL JUBELAG

MAYOR PEDRO ACHARON JR.

NATIVIDAD

SANGGUNIAN COMMITTEE

SANGGUNIANG PANLUNGSOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with