Lider ng sindikato napatay ng militar

Isang lider ng sindikato na nagnanakaw ng baka at kalabaw ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa tropa ng militar sa Sitio Ginbalulan, Brgy. Rogongon, Iligan City, Lanao del Norte noong Biyernes.

Kinilala ang napatay na lider ng cattle rustling syndicate na si Isagani Gedalgo makaraang maaktuhang dinudugas ang dalawang baka dakong ala-1:30 ng hapon.

Kasalukuyan namang nagpapatrulya ang tropa ng 30th Infantry Battalion ng Philippine Army nang sitahin si Gedalgo ngunit kaagad na nagpaputok ang mga kasamahan nito kaya gumanti naman ng putok ang militar.

Nabawi sa grupo ni Gedalgo ang ninakaw na dalawang baka at shotgun na ginamit ng suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments