Baon sa utang, trader nagbaril sa bibig

IMUS,Cavite – Tinakasan ng isang negosyante ang kanyang mga utang sa pamamagitan ng pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa bibig kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bayang Luma 4 ng bayang ito.

Wasak ang bibig nang matagpuang nakahandusay sa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Norlan Calitis,36 ng Blk.2,Lot 8,Treelane 2 Subdivision.

Sa ulat ng pulisya,dakong alas-7 ng gabi nang matagpuang naliligo sa sariling dugo ang biktima at hawak ang baril na kalibre 45.

Napag-alaman sa pamilya ng bikitma na bago ang pagpapakamatay ng biktima ay balisa umano ito at marahil iniisip kung paano mabababayaran ang kanyang mga utang.

Dahil sa wala nang maisip na solusyon sa problema ang tanging pagpapakamatay umano ang inisip nito at kanyang isinagawa. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments