Jailbreak: 1 todas, 2 nakatakas
November 30, 2002 | 12:00am
STA CRUZ, Laguna Isang preso ang napatay nang tangkain nito kasama ang limang iba pa na pumuga mula sa Laguna Provincial Jail (LPJ) kahapon ng umaga.
Tatlo sa mga nagsitakas ang nadakip noon din habang dalawa pa rito ang kasalukuyan pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad.
Kinilala ni Raymond Tantoco, officer-in-charge ng LPJ ang napaslang na si Nano Casal, 51 at hinihinalang magnanakaw ng baka sa bayan ng Mabitac.
Si Casal ay binaril at napatay ng mga jailguards sa aktong umaakyat sa premiter wall ng bilangguan kasama ang lima pang bilanggo dakong alas-4 ng madaling araw kahapon.
Nakilala naman ang mga naarestong sina Marvin Delabin, 17, may kasong car theft; Raffy Alcantara,19 at Jefferson Lelina, 18 kapwa may kasong robbery.
Puspusan naman ang pagtugis sa dalawa pang pugante na nakilalang sina Joseph Caranzo na may kasong drug pushing at Jayson Timbal na may kasong kidnap-for-ransom.
Sinabi ni Chief Inspector Ramon Gabat, Chief of Police ng Sta. Cruz na nagawang pumuga ng mga suspek nang lagariin nito ang rehas ng kani-kanilang selda.
Nabatid na ilang ulit na nagpaputok ng warning shots si jail guard Conrado Soriano sa mga pugante gayunman ay hindi ito natinag at itinuloy pa rin ang pag-akyat sa kongkretong pader na provincial jail. (Ulat ni Rene M. Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest