Sa ulat na ipinarating kahapon kay Major General Roy Kyamko, hepe ng Southern Luzon Command ni Major General Efren Abu ng 2nd Infantry Division ng Phil. Army, naitala ang pananambang bandang alas-4 ng hapon habang binabaybay ng mga kawal ng 204th Infantry Brigade sa pamumuno ni Col. Jovito Palparan ang bisinidad ng Tamaraw Falls na sakop ng nabanggit na barangay.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng nasawing sundalo hanggat hindi naaabisuhan ang pamilya nila, samantala, siniguro naman ng militar na marami rin ang nasugatan sa panig ng mga rebelde dahil sa patak ng dugo sa pinagtakasan ng mga NPA.
Ang iba pang sugatang sundalo ay isinugod naman sa ospital sa Calapan City.
Si Col. Palparan Jr. ay inilipad ng helicopter sa V. Luna Hospital sa Quezon City dahil sa tama ng bala ng baril sa magkabilang hita.
Sinabi ni Major Jose Broso, civil relations officer, na nagsagawa ng civil- military activities at inspection ang tropa ni Palparan bago nakipagpulong sa mga residente sa San Teodoro, Oriental Mindoro bago maganap ang pananambang.
Tumagal ng isang oras ang putukan hanggang sa umatras ang mga rebelde makaraang matunugang paparating ang tropa ng 68th, 16th at 204th Infantry Brigade upang tumulong.
Napag-alaman na si Col. Palparan ay responsable sa mass surrender ng NPA sympathizers dahil sa implementasyon ng information operation at civic military activities sa naturang lugar. (Ulat nina Tony Sandoval, Arnell Ozaeta at Danilo Garcia)