Estudyante pinagtulungang saksakin ng isang grupo
November 24, 2002 | 12:00am
MASBATE CITY Isang 20-anyos na college student ang nasawi habang nasa malubhang kalagayan naman ang classmate nito sa isang pagamutan makaraang mapagtripan ng stabbing spree ng grupo ng mga adik sa Rizal Park sa Quezon St. Brgy. Bapor sa lungsod na ito kahapon ng madaling araw.
Nakilala ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Masbate Coole Hospital na si Christian Alegre, 20, may asawa, college student ng Masbate College, samantalang nasa malubhang kalagayan si Mark Floresta, 21, binata, college student at kapwa residente ng naturang lungsod.
Kinilala ang isa sa mga suspek ay si Ritchel Chu, 20, binata, residente ng Osmina St. Brgy. Bagumbayan ng naturang lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-2:10 ng madaling araw habang ang mga biktima ay naglalakad papauwi sa kanilang bahay nang mapadaan sa isang grupo ng mga kabataan na lango sa ipinagbabawal na droga at bigla na lamang nanaksak sa dalawang biktima.
Matapos ang pananaksak na may kahalong pamamalo ng bato sa mga biktima ay kaagad na tumakas papalayo sa lugar patungo sa hindi nabatid na direksyon.
Napag-alaman na ang dalawang magkaibigan ay galing sa bahay ng kanilang kaklase na kung saan ay doon na inabot ng madaling araw at naglakad na lamang upang umuwi sa kanilang mga bahay.
Ang nasawing biktima ay nagtamo ng saksak sa dibdib kung saan tinamaan ang puso na siyang naging dahilan ng kanyang kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest