Base sa report sa nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente bandang alas-10 ng umaga sa nasabing lungsod.
Napag-alaman na kawi-withdraw lamang sa banko nina Conchita Lucias, cashier ng eskuwelahan kasama ang ilan pang empleyado ng unibersidad nang harangin ng tatlong lalaki na armado ng malalakas na kalibre ng baril at lulan ng motorsiklo ang sinasakyan nilang Toyota Revo at nagdeklara ang mga ito ng holdap.
Habang hinoholdap ang mga biktima ay tatlo pa umanong armadong kasamahan ng mga suspek ang pumalibot sa sasakyan ng mga biktima mula naman sa isang inabandonang detachment ng militar.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, matapos umanong mag-withdraw ng P685,000 ang mga biktima sa isang sangay ng Development Bank na nakabase sa Tuguegarao City ay sinundan na sila ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.
Hindi pa nakuntento ay tinangay din umano ng mga suspek ang tig-P5,000 cash, at cellphone ng mga biktimang sina Roger Baltazar at Macario Nieves, gayundin ang mga alahas ni Lucias.
Tumagal lamang ng ilang minuto ang holdapan bago mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon. (Ulat ni Joy Cantos)