Sundalo inutas ng pulis sa inuman

May posibilidad na matinding alitan ang namagitan upang mapatay ang isang opisyal na kawal ng Phil. Army ng pulis-Jolo sa naganap na karahasan kamakalawa ng hapon sa Kadangmawag, Brgy. Bus-bus, Jolo, Sulu.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Sulu General Hospital si Capt. Macromel Batomalague, 26, ng 4th Infantry Battalion ng 104th Brigade ng Phil. Army.

Samantala, ang suspek na mabilis na tumakas ay hindi naman nabatid ang pangalan sa hindi maipaliwanag na dahilan na pinalalagay na miyembro ng Jolo Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naitala ang krimen bandang alas-5:15 ng hapon matapos na dumating ang suspek sa kinaroroonan ng biktima na nakikipag-inuman sa mga kaibigan.(Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments