2 broadcaster, 3 pa tiklo sa droga
November 9, 2002 | 12:00am
Pagadian City Dalawang radio reporters at tatlong iba pa ang naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakalawa sa isang buy bust operation sa isang hinihinalang drug den dito.
Kinilala ni NBI district chief Friolo Icao ang mga suspek na sina Hirohito Cadion, reporter ng RPN-9 DXKP-AM, Rey Lobo ng DXID, Homobono (nakababatang kapatid ni Cadion), Alfonso Macaso at Ariel Lobo (half brother naman ni Rey).
Sinabi ng NBI na sina Cadion at Lobo ay nasa pagmamanman ng ahensya sa loob ng 3 buwan makaraang maiulat na ang mga ito ay nagbebenta ng shabu (metamphetamine hydrochloride) sa mga estudyante sa isang vocational school na nasa RT Lim St., ng lungsod na ito.
Nakumpiska sa bahay ni Cadion ang ilang plastic sachet ng shabu at colored tablets na hinihinalang Ecstacy, .38 kalibreng paltik revolver, P6,140.00 at ang P200.00 na marked money na ginamit sa buy bust at iba pang paraphernalia na gamit sa paghitit ng shabu.
Gayunman ay itinanggi ni Cadion, dating pangulo ng PNP, Defense Press Corp ng Zamboanga del Sur at nakaraang pangulo ng Media Club of Pagadian City ang akusasyon na siya ay nagbebenta ng droga.
Samantala sinabi naman ni Alejandro Gesta, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) regional chairman at station manager ng RMN-DXPR na ang gawain nina Cadion at Lobo ay hindi na lihim sa publiko. (Ulat ni Lino dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest