Sina Cpl. Eddie Umalao at Cpl. Rolando Franco ay napatay sa pakikipagbarilan sa mga nagsilusob na rebelde, samantala, sugatan naman si Pfc. Erasmo Dizon.
Sinabi ni Army Major Julieto Ando, tagapagsalita ng Armys 6th Division na hindi naman nakilala ang rebeldeng nasawi dahil sa binitbit na ng mga kasamahan sa pagtakas partikular na ang mga nasugatan matapos maganap ang engkuwentro dakong alas-5:45 ng umaga sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Roel Pareño)