CAT officer dinedo sa loob ng campus
October 30, 2002 | 12:00am
MEXICO, Pampanga Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang commanding officer ng Citizens Army Training (CAT) ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa loob ng campus ng St. Joseph Academy na ikinasugat din ng isang estudyante kamakalawa sa bayang ito.
Base sa ulat ng pulisya, pumasok sa naturang eskuwelahan ang dalawang hindi kilalang armadong lalaki at hinahanap si Arnulfo Sudoria ng Brgy. Sta. Ines, Bacolor, Pampanga.
Namataan naman ng dalawa ang biktimang si Sudoria na nagtuturo sa grupo ng mga estudyante kaya kaagad nilang tinungo at isa sa killer ay nagbunot ng kalibre .45 baril bago pinaputukan ng sunud-sunod ang biktima.
Ayon pa sa pulisya, tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril si Regino Lacson ng Brgy. St. Domingo kaya nagpulasan ang mga estudyante upang magtago.
Sinamantala naman ng dalawang killer ang pagkakataong nagkakagulo at mabilis na tumakas sa hindi nabatid na direksyon.
Sinabi naman ng mga imbestigador na may impormasyon na silang nakalap sa pagkikilanlan ng mga suspek ngunit hindi ibinunyag ang mga pangalan upang hindi mabulilyaso ang follow-up operation laban sa dalawa. (Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended