Sulyap Balita
October 29, 2002 | 12:00am
Ang biktimang itinago sa pangalang Weng ay residente ng Barangay Habay Uno, samantala, ang suspek na ngayon ay nakakulong sa police detention cell ay nakilalang si Jasoher David, 25, may asawa ng Pulido Compound, Barangay. Panapaan sa bayang ito.
Ayon kay SPO1 Rodolfo Arboleda, naaktuhan ng kapatid ng biktima ang suspek dakong alas-10:30 ng gabi kaya mabilis na naipagbigay -alam sa mga barangay opisyal at inaresto si David. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Armado ng itak at patalim ang dalawang rebeldeng sina Michael dela Cruz ng Tagkawayan, Quezon at Israel Radelas ng Villarica ng General Luna, Quezon, samantala, ang sundalong nakapatay sa dalawa ay nakilalang si Pfc. Hector Amandy ng 74th Infantry Battalion ng Phil. Army.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naganap ang pangyayari dakong alas-4 ng hapon makaraang lapitan ng mga rebelde si Amandy ngunit nakatunog na may nakaambang panganib kaya inunahan na nito ang dalawa. (Ulat ni Danilo Garcia)
Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang mag-inang sina Yolanda, 36 at Mark Anthony Olases, 7, samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Alfred Shielman, 49 ng Ciudad Maharlika Subdivision ng nabanggit na barangay.
Base sa pagsisiyasat ni PO3 Raul Avilla, naganap ang krimen bandang alas-4 ng hapon matapos mamataan ng suspek na nagsisiga ang mag-ina kaya bumaba sa kanyang kotse at pinagbabaril ang mga biktima na pinalalagay na madaling magalit kapag nakakakita ng usok. (Ulat ni Tony Sandoval)
Idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Julian Peñaflor ng Sitio Sinoma, Barangay San Isidro, Taytay, Rizal, samantala, ang suspek na mabilis namang tumakas ay nakilalang si Reggie Valejo, 23 ng Block 35 Lot 18 ng nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ni PO2 Manuelito Inosanto, naitala ang krimen bandang alas-8 ng gabi matapos madapa ang senglot na pasuray-suray na kasama ng suspek at dahil sa nakita ng biktima ay pinagtawanan na kinairita naman ni Valejo kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)
Kaagad na namatay sa pinangyarihan ng aksidente sina Dr. Nelson Cahimat at kaibigan nitong si Camilio Pacheco, 50 na kapwa residente ng Pakil, Laguna, samantala, sugatan naman ang asawa ng drayber ng dyip (DVD-789) na si Rosario dela Torre.
Naitala ang pangyayari dakong alas-6:20 ng umaga makaraang mawalan ng kontrol ang minamanehong Honda Civic (WJW-354) ni Cahimat mula sa Cavite patungong Laguna.
Nahirapan ang mga rescue worker na ilabas ang mga biktima sa wasak na kotse na animoy niyuping lata ng sardinas. (Ulat ni Ed Amoroso)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 18 hours ago
By Doris Franche-Borja | 18 hours ago
By Jorge Hallare | 18 hours ago
Recommended