Amok: 2 patay, 2 grabe

AROROY, Masbate – Pinaniniwalaang matinding problema sa pamilya ang nagbunsod upang mag-amok ang isang mister na ikinasawi nito at nandamay pa ng isa, samantala, dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon kamakalawa ng tanghali sa Brgy. Bagauma sa bayang ito.

Nagtamo ng maraming saksak sa katawan ang nag-amok na si Avelino Macuha, 53 ng Barangay Alas Mandaon, Masbate at isa sa nadamay ay nakilalang si Reynante Penis, 33, may asawa na binawian ng buhay sa Masbate Provincial Hospital.

Nasa kritikal na kondisyon naman sina Redereck Penis, 24, may asawa at Biboy Penis, 2-anyos na pawang residente ng nabanggit na barangay.

Naganap ang pangyayari dakong alas-12:30 ng tanghali makaraang makasalubong ng mag-uutol na Penis si Macuha na may hawak na itak.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang nanghalibas ng itak si Macuha kaya tinamaan kaagad si Reynante ngunit kahit na may tama si Redereck ay nagawa pa nitong maagaw ang itak saka pinagtataga ang nag-amok na mister. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments