^

Probinsiya

2 sundalo nagduwelo, 1 patay

-
CAMP OLIVAS, PAMPANGA Isang sarhento ng Philippine Army ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng kapwa nito sundalo matapos magduwelo ang dalawa sa loob ng kampo ng Light Armored Brigade ng Barangay Sta. Lucia Capas Tarlac, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing sundalo na si T/Sgt. Lindong Andaya, 38, ng Block 10 Camp Tinio Cabanatuan City, samantalang ang suspek ay nakilalang si M/Sgt. Luis Leocadio 47, ng Mapalad Sur Sta. Rosa Nueva Ecija, ay kapwa nakatalaga sa 525th Engineering Battalion, Philippine Army (PA) ng Capas Tarlac.

Nabatid sa isinasagawang imbestigasyon ni SPO2 Crispin Uson, ng PNP Capas Tarlac, bago naganap ang naturang duwelo ng dalawang sundalo ay nakita umano ang dalawa na magkasamang nag-iinuman sa isang lugar ng Navy Resettlement Area ng Capas, Tarlac.

Matapos ang inuman ng dalawa sa nabanggit na lugar ay kaagad nagsipasok ang mga ito sa loob ng kanilang barracks sa light Armored Brigade at doon nagsimula ang kanilang pagsisigaw at nagkaroon na ng mainitang pagtatalo na nauwi naman sa paghahamon ng laban.

Biglang kinuha umano ni T/Sgt. Andaya ang kanyang baril na M16 Armalite rifle at sabay nagpaputok sa itaas at dahil na rin sa bilis ng pangyayari ay inunahan na umano ni M/Sgt. Leocadio na pagbabarilin ang kanyang kaduwelo hanggang tuluyan bumulagta at nasawi sa nabanggit na kampo.

May teorya ang mga awtoridad na may matagal ng kimkim na galit sa kanilang mga dibdib kayat naisipan na lang ilabas ang sama ng loob sa pamamagitan ng pagduwelo. (Ulat ni Erickson N. Lovino)

vuukle comment

ARMORED BRIGADE

BARANGAY STA

CAMP TINIO CABANATUAN CITY

CAPAS TARLAC

CRISPIN USON

ENGINEERING BATTALION

ERICKSON N

LIGHT ARMORED BRIGADE

PHILIPPINE ARMY

SGT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with