Pulis na naglaro ng baril, dedo

Dahil sa inakalang naka-lock ang pinaglalaruang baril ng isang bagitong pulis ay naging ugat ng kanyang kamatayan makaraang pumutok habang nakikipaghuntahan sa kanyang kaibigan sa harap ng tindahan sa Poblacion 2, Santiago, Agusan del Norte kamakalawa ng umaga.

Idineklarang patay sa Cabadbaran Emergency Hospital si PO1 Jesse Doldo Burnea, 29 ng Montilla Boulevard, Butuan City at nakatalaga sa 143rd Regional Mobile Group.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-10:15 ng umaga nang biglang pumutok ang pinaglalaruang baril ng biktima habang nakikipag-usap kay Cherlie Marie Cuyno malapit sa guardhouse ng naturang lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments