3 patay, 6 grabe sa daing na isda
October 24, 2002 | 12:00am
LAGONOY, Camarines Sur Tatlong menor-de-edad na magkakapatid ang kumpirmadong nasawi, samantala, anim pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang kumaing magkakasama ng dinaing na isda kamakalawa ng gabi sa Barangay San Ramon sa bayang ito.
Binawian ng buhay sa Partido District Hospital sina Herson, 11; Henry, 10 at Dennis Del Valle, 8, samantala, ang mga biktima na nasa kritikal na kondisyon ay ang mag-asawang Elsie at Gerondio Del Valle, mga anak na sina Herman, 9; Hermie, 7; Edgar, 6 at Ericka Del Valle na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dumating ang ama ng pamilya Del Valle mula sa pinapasukang pabrika na may dalang biniling dinaing na isda na kung tawagin ay "Tikong" upang may panghapunan.
Napag-alaman pa sa ulat na matapos na lutuin ang isda ay magkakasabay na naghapunan ang naturang pamilya at makalipas ang anim na oras ay nagsakitan ang tiyan ng mga biktima hanggang sa magsuka at makaramdam ng paninikip ng dibdib.
Bandang alas-7:23 ng gabi nang isugod sa nabanggit na ospital ang mga biktima at lumalabas sa pagsusuri ng mga doktor na ang ikinamatay ng tatlo ay mula sa kinaing isda na nabili sa tindahan na pag-aari ni Ester Luzande.(Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest