2 suspek sa Kidapawan City bus terminal blast, tiklo
October 18, 2002 | 12:00am
Nalambat ng pulisya ang dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa pagpapasabog sa Kidapawan bus terminal noong Oktubre 10, 2002 na ikinasawi ng anim-katao at ikinasugat ng 20 pa makaraang magsagawa ng operasyon kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bangahan sa naturang lungsod.
Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng nadakip na suspek dahil sa nagpapatuloy pa ang operasyon ng mga awtoridad laban sa dalawa pang kasamahan sa hindi binanggit na lugar.
Kasalukuyang nangangalap ng impormasyon ang mga imbestigador laban sa apat na suspek na mag-uugnay sa grupo ng terorista na nakabase sa Kidapawan.
Napag-alaman na nagsagawa ng paniniktik ang mga awtoridad sa pinagkukutaan ng mga suspek upang alamin ang susunod nilang plano.
Dahil sa deskripsyon na rin ng mga saksi, nakilala ang dalawa na umaaligid sa Weena bus terminal bago maganap ang pagsabog kaya nagsagawa ng operasyon bandang alas-8 ng gabi sa nabanggit na barangay.
Sinisilip din ng pulisya ang anggulong kasapi sa rebeldeng New Peoples Army ang dalawa maliban sa Muslim extremist na Moro Islamic Liberation Front na iniuugnay sa grupo ng Al-Qaeda terror network ni Saudi militant Osama Bin Laden. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest