Katiwala sa cellsite itinumba
October 11, 2002 | 12:00am
GUINOBATAN, Albay Isang 38-anyos na katiwala sa pagpapagawa ng cellsite ng sikat na telecommunication ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay bumibili ng tinapay sa bakery sa palengke sa bayang ito kahapon ng umaga.
Si Cesar Oliver, isang engineer at empleyado ng sikat na telecommunication ay binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril bandang alas-5:30 ng umaga.
Ayon sa pulisya, siniguro ng mga rebelde na napatay nila ang biktima dahil sa tama ng bala ng baril sa ulo at ibat ibang bahagi ng katawan.
Palakad na lumayo ang mga rebelde saka pumasok sa mataong lugar sa loob ng palengke. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 7 hours ago
By Victor Martin | 7 hours ago
By Omar Padilla | 7 hours ago
Recommended