^

Probinsiya

308 MILF rebels sumuko

-
Pinaniniwalaang matinding pressure at pagod ang nagtulak upang magdesisyong sumuko ang 308 kasapi ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kabilang na ang apat na mataas na kumander sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City kahapon.

Isinuko rin ng mga rebeldeng MILF ang 214 malalakas na kalibre ng baril na kinabibilangan ng AK-47, M-16 rifles, Uzi, Ingram at M-60 machine guns, Browning Automatic rifles, grenade launchers, B-40 rockets, mortars at 21 explosives devices.

Kabilang sa apat na MILF rebels kumander na sumuko sa headquarters ng 4th Infantry Division ng Phil. Army na pinamumunuan ni Major General Alfonso Dagudag ay sina Bakat Cadia, Khaldon Bagapur, Abdullah Dimasangkay at Amer Pangandaman Bantak.

Sa maikling seremonya na pinangunahan ni Armed Forces chief General Benjamin Defensor, sinabi niya na ang mga dating rebelde ay hindi nagsisuko kundi sumapi sa pakikibaka sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa at iniwan ang daan ng rebelyon patungo sa kabayanihan.

Ayon pa kay Major General Dagudag, ang pagsuko ng mga rebelde ay bunsod ng matiyagang pakikipagnegosasyon simula pa noong Hunyo 22, 2002 ng ilang local religious leaders, dating kasapi ng rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) at mga lokal na opisyal ng naturang lungsod.

Makakatanggap naman ang mga rebelde ng biyaya sa ilalim ng Balik-Baril Program ng pamahalaan na inilaan para sa mga dating rebelde at awtomatikong miyembro ng livelihood cooperatives at bibigyan ng financial support upang muling magsimula ng kabuhayan. (Ulat ni Paolo Romero at Danilo Garcia)

ABDULLAH DIMASANGKAY

AMER PANGANDAMAN BANTAK

ARMED FORCES

BAKAT CADIA

BALIK-BARIL PROGRAM

BROWNING AUTOMATIC

CAMP EVANGELISTA

DANILO GARCIA

GENERAL BENJAMIN DEFENSOR

INFANTRY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with