Sulyap Balita
October 10, 2002 | 12:00am
Isinasailalim sa imbestigasyon ang mga rebeldeng sina Arnel "Ka Bayok" Francisco, Dema Tutal, Aboy Abla at Heledrio Esong.
Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, sina Francisco, Tutal at Abla ay nadakip bandang alas-8 ng umaga sa bisinidad ng Dumaguena Naara, Palawan habang nagsasagawa ng combat patrol ang militar.
Samantala, si Esong naman ay nalambat sa bayan ng Negros Oriental makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na naglalakad ang rebelde sa mataong lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)
Dalawang saksak ng patalim sa katawan ang tumapos sa buhay ni Alfredo Sibido, 37, caretaker ng fishpond na pag-aari ni Taling Mateo.
Samantala, nakilala naman ang suspek na si Raul Cabahug na ngayon ay tinutugis ng pulis-Bacoor.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Rodolfo Arboleda, naitala ang krimen dakong alas-7 ng umaga matapos na magising ang biktima at maaktuhan ang suspek na nanghuhuli ng hipon. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Ang bangkay ng biktima na nakabitin sa kisame ng natagpuan ng kapatid na si Ramil ay nakilalang si Mary Jane D. Lumanian.
Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Benjamin dela Cruz, hepe ng pulisya sa lungsod na ito, huling nakitang buhay ang biktima na sinesermunan ng ina dahil sa pakikipagrelasyon nito sa lalaking may asawa at simula noon ay dinamdam na ng dalaga ang ipinayo ng magulang kaya nagdesisyong magpakamatay. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Lango pa sa alak ang napatay na biktimang si Rex San Buenaventura, 32, samantala, nadakip ng pulisya ang amang suspek na si Nicanor De Guzman, 37, habang tinutugis ang anak na si Richard De Guzman, 18.
Naitala ang krimen bandang alas-9 ng gabi matapos na bastusin ng biktima ang asawa ni Nicanor na ikinagalit naman ng kasambahay.
Napag-alaman sa ulat ng pulisya na hindi pinalagpas ng mga suspek na senglot ang ginawang pambabastos sa asawa kaya isinagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)
Dalawang tama ng baril sa mukha ang tumapos sa buhay ni Noel Haragan, binata. Samantala, ang nakabaril na pulis na nagtamo naman ng sugat sa ulo dahil sa tinaga ni Haragan ay nakilalang si SPO4 Ismael Salazar.
Naganap ang pangyayari dakong alas-12:45 ng tanghali matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ni P/Chief Insp. Redelino Aspiras na may nag-aamok na praning kaya kaagad namang nagresponde si Salazar upang mamagitan sa pangyayari.
Ngunit initak ang nagrespondeng pulis na ikinasugat naman nito ngunit nakuha niyang barilin ang nag-amok na si Haragan na ikinasawi nito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 18, 2026 - 12:00am
















