Caretaker ng La Mesa Dam pinugutan
October 10, 2002 | 12:00am
RODRIGUEZ, Rizal Dahil sa pagiging matapat sa tungkulin bilang caretaker ng La Mesa Dam katuwang ang pamahalaang lungsod ng Quezon ay maagang kinalawit ni kamatayan ang isang 45-anyos na staff ng Bantay-kalikasan project makaraang pagbabarilin saka pinugutan ng limang kalalakihan habang ang biktima ay kasama ang asawa sa sariling bahay noong Martes ng umaga sa Rodriguez, Rizal.
Walang buhay na iniwan ang biktimang si Robert "Bobby" Glee, katiwala at nakatalaga sa La Mesa Dam Watershed Project, isang foundation ng ABS-CBN na pinananatiling malinis ang kapaligiran ng watershed.
Samantala, ang limang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay positibong kilalang magpipinsang sina Frankie, Norlito at Christopher Guerrero, Alfie Espinosa at Rene Bungo na nagbanta sa biktima bago isagawa ang krimen.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulis-Rodriguez, naglalakad papauwi ang biktima bandang alas-10 ng umaga sa kahabaan ng Brgy. Macabud na sakop ng Sitio Calumpit nang harangin ng mga suspek saka hinamon ng suntukan.
Tinangkang iwasan ng biktima ang mga suspek ngunit hinabol siya ng lima hanggang sa masukol sa sariling bahay.
Ayon pa sa ulat ng pulisya na pinalabas ng biktima ang asawa upang humingi ng tulong sa mga awtoridad dahil sa natunugang may masamang mangyayari.
Kinuha ng biktima ang itak at nakahanda sa anumang mangyayari ngunit binaril siya sa likod ng isa sa mga suspek kaya napilitang magtatakbo palayo ng kanyang bahay ngunit sinundan pa rin hanggang sa abutan.
Dito na umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril na tumama sa katawan at bago pa tumakas ang mga suspek ay pinugutan pa ang biktima.
Itinuturing na Bayani ng Kalikasan si Glee dahil sa katapatan sa pagpapatupad ng tungkuling pinagkatiwala ng nabanggit na foundation. (Ulat nina Joy Cantos at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest