Espiya ng Abu tiklo
October 6, 2002 | 12:00am
Bumagsak sa mga operatiba ng militar ang isang pinaghihinalaang espiya ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa isinagawang operasyon sa Tipo-Tipo, Basilan nitong Biyernes.
Kinilala ang naarestong suspek na si Sara Haris, residente ng Sitio Kalang Itim, Barangay Sangkanan, Kaulungan Island ng nasabing bayan.
Batay sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, bandang alas-9 ng umaga habang nagsasagawa ng combat patrol ang mga elemento ng Armys 32nd Infantry Battalion nang masukol ang suspek sa masukal na bahagi ng Kaulungan Island sa nabanggit na lugar.
Nabatid na kasalukuyang sinusuyod ang lugar ay natiyempuhan ng mga sundalo si Haris na kahinahinalang umaaligid na may hawak na isang M16 rifle at isang M203 grenade launcher.
Dahil dito ay agad sinita ng mga sundalo si Haris na nagtangka pang tumakas subalit hindi rin nakaligtas nang masukol ng mga tumutugis na tropa ng militar.
Inaresto si Haris at kinumpiska ang mga hawak nitong matataas na kalibre ng armas.
Ang naarestong suspek at ang mga nabawing armas mula rito ay dinala sa himpilan ng Armys 32nd IB para sa kaukulang disposisyon.
Patuloy namang inaalam ng tropa ng pamahalaan kung kaninong pangkat ng Abu Sayyaf miyembro si Haris bilang espiya umano o kung kasapi ito ng isang ordinaryong kriminal na sindikato na kumikilos sa bayan ng Tipo-Tipo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest