^

Probinsiya

Anti-NPA rally ginanap sa Quezon

-
LOPEZ, Quezon — Tinuligsa ng multi-sectoral groups ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa karahasang ginawa sa pagsalakay sa himpilan ng pulisya sa Lopez na ikinasawi nina P/Supt. Cesar Santander, chief of police at SPO1 Nestor Santiago sa indignation rally kahapon.

Mahigpit ang pagtuligsa laban sa Apolonio Mendoza Command, partikular ang Komite Larangang Gerilya, 41/KLG Sigma na responsable sa madugong pangyayari.

Kasabay sa nasabing rally ay paghahatid sa huling hantungan sa labi ni Santiago na nagmartsa simula sa municipal hall hanggang sa public cemetery. Samantala, si Santander ay ililibing sa Miyerkules sa Atimonan, Quezon.

Madamdaming inihayag ng mga galit sa NPA, partikular ang pamilya nina Santiago at Santander ang karahasan ng mga rebelde na walang pinag-iba sa mga teroristang naghahasik ng takot at pangamba sa mga mamamayan.

Binatikos din ang tahasang sapilitang pangungolekta ng revolutionary tax, pagsira sa communication facilities at iba pang negosyo sa Quezon na nagdudulot ng perwisyo sa takbo ng kalakalan.

Ibinunyag naman ng isang military official na naglunsad ang rebeldeng NPA ng piso campaign upang makalikom ng pondo na ipapadala kay Joma Sison, chairman ng CPP/NPA/NDF na nasa Netherlands matapos alisin ng Dutch government ang ayuda sa kanilang founder.

Hinamon din sa rally ang KARAPATAN, isang militanteng grupo na kaalyado ng NPA na sampahan ng kasong paglabag sa karapatang pantao ang NPA katulad ng ginagawa nila kapag ang tropa ng gobyerno ay nakakapatay ng tunay na rebelde. (Ulat ni Tony Sandoval)

APOLONIO MENDOZA COMMAND

ATIMONAN

CESAR SANTANDER

JOMA SISON

KOMITE LARANGANG GERILYA

NESTOR SANTIAGO

NEW PEOPLE

QUEZON

SANTANDER

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with