Re-training ng mga pulis-Maco nakaamba

Nakatakdang isailalim sa re-training program ang buong puwersa ng pulis-Maco makaraang makapasok nang matagumpay ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kanilang headquarter may dalawang araw na ang nakalilipas sa Compostella Valley.

Tinangay din ng mga rebelde ang lahat ng armas at ibang kagamitan sa police station na pinamumunuan ni P/Chief Insp. Julius Ilagan.

Sa ipinalabas na direktiba ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane, muling magsasanay ang mga pulis- Maco upang maging epektibo ang pagtupad sa kanilang tungkulin na inihalintulad sa buong puwersa ng pulis-Pasay na naging palpak sa isinagawang rescue operation sa biktima ng hostage may ilang buwan na ang nakalilipas. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments