^

Probinsiya

30 Abu Sayyaf sumuko

-
Umaabot sa tatlumpong kasapi ng Abu Sufia kidnap-for-ransom gang kabilang ang kanilang kumander na pinaniniwalaang kumalas sa grupo ng bandidong Abu Sayyaf ang nagpasyang sumuko sa mga awtoridad sa Sultan Kudarat makaraang mahintakutang mapatay sa isinasagawang sunud-sunod na operasyon ng militar at kapulisan sa Mindanao.

Payapang sumuko si Kumander Dido Binago, kasama ang 29 na tauhan nito sa kampo ng 7th Special Forces Battalion sa Brgy. Butril, Palimbang, Sultan Kudarat dakong alas-4 ng hapon.

Ayon sa ulat, ilang araw na pakikipagnegosasyon ng militar at lokal na opisyales ng naturang lalawigan kaya maayos na sumuko ang grupo ni Binago.

Inamin naman ni Binago na nahintakutan silang mapatay ng militar dahil sa pinaigting na operasyon laban sa kanila kaya nagpasya silang sumuko.

Ang grupo ni Binago ay pinaniniwalaang responsable sa pagdukot sa Koreanong treasure hunter na si Jae Kwoon Yoon at hotel owner na si Carlos Belonio na pawang napalaya na. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SUFIA

AYON

BINAGO

CARLOS BELONIO

DANILO GARCIA

JAE KWOON YOON

KUMANDER DIDO BINAGO

SPECIAL FORCES BATTALION

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with