^

Probinsiya

Sulyap-Balita

-
Mental patient nagbigti
LIGAO CITY – Dahil sa pagkabalisa at matinding problema sa pamilya ay nagdesisyon ang isang mister na mag-suicide sa pamamagitan ng pagbibigti sa kanilang bahay sa Brgy. Tinampo sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Natagpuang nakabitin ang bangkay ni Salvador Robles, 23, ng kanyang misis bandang alas-5 ng umaga.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na kalalabas pa lamang ng biktima sa Phil. Hospital for Mental Health at malimit na walang kibo sa kanyang pamilya hanggang sa magkulong na lamang sa kuwarto saka nag-suicide. (Ulat ni Ed Casulla)
Pumugang illegal recruiter timbog
MALOLOS, Bulacan – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang takas na preso na pinaniniwalaang nakulong dahil sa illegal recruitment makaraang salakayin ng mga ahente ng 303rd Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa Bulacan ang pinagkukutaan ng akusado sa Area F. Brgy. Sampol, San Jose del Monte City sa bayang ito kahapon ng umaga.

Si Judith V. Cruz, 50, may asawa ng Brgy. Poblacion, Pulilan, Bulacan ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest ni RTC Presiding Judge Victoria Villalon-Pornillos ng Branch 10.

Ayon sa ulat ni P/Chief Insp. Eliseo Cruz, hepe ng pulisya sa naturang bayan, ang suspek ay nakatiyempong tumakas sa kanyang bantay habang dinidinig ang kaso sa korte ng Pasay City noong Hulyo 2000 saka nagtago sa Bulacan. (Ulat ni Efren Alcantara)
Tsuper kinatay saka ninakawan
ANTIPOLO CITY – Pinagtulungang pagtatagain hanggang sa mapatay ang isang tsuper ng pampasaherong sasakyan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan saka pinagnakawan ng kinita sa pasada sa Brgy. Cupang sa lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.

Animo’y kinatay na baboy ang katawan ng biktimang si Dominador Saet, 31, ng Purok 2, Sitio Peñafrancia ng nabanggit na barangay.

Ayon kay SPO1 Vic Madamba, natagpuan ang bangkay ng biktima sa madilim na bahagi ng naturang lugar bandang alas-4:30 ng madaling-araw at pinalalagay ng pulisya na isinagawa ang krimen sa pagitan ng alas-10 hanggang alas-12 ng hatinggabi noong nakalipas na Miyerkules. (Ulat ni Joy Cantos)
3 holdaper nasakote sa Antipolo
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang holdaper ng mga pampasaherong sasakyan ang inaresto ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) makaraang salakayin ang kanilang pinagkukutaan sa Antipolo City kamakalawa ng umaga.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Antipolo Regional Trial Court Judge Francisco Querubin ng Branch 74, dinakip ang mga suspek na sina Alfredo Carreon, 22, ng Brgy. Dela Paz, Antipolo City; Randy Robledo, 20 at Jose Navarro, 18, ng Apitong St., Marikina Heights, Marikina City.

Isinagawa ang raid sa safehouse ng mga suspek bandang alas-11:30 ng umaga at nakatakas naman ang lider ng grupo na si Eric Morales. (Ulat ni Ed Amoroso)

ALFREDO CARREON

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO REGIONAL TRIAL COURT JUDGE FRANCISCO QUERUBIN

BRGY

BULACAN

CENTER

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with