Mag-utol namaril: 1 patay, 1 grabe
September 18, 2002 | 12:00am
RIZAL, Nueva Ecija Isa ang nasawi, samantala, isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mag-utol na lalaki dahil sa ginawang pagsaklolo ng mga biktima sa pamamalo ng baril ng mga suspek sa Brgy. Bicos sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Si Edgardo Santos, 36, binata, magsasaka ay nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan na ikinasawi nito, samantala, si Manuel Santos, 46, na inoobserbahan sa Premiere General Hospital ay nasa kritikal na kondisyon.
Tinutugis naman ng pulisya ang nagsitakas na mga suspek na sina Venancio Agulto, Brgy. Kagawad ng Bicos at Edgardo Agulto, kasapi ng Bantay-Bayan sa kanilang lugar.
Napag-alaman sa ulat ni P/Chief Insp. Moises Pagaduan, hepe ang Rizal police station, naganap ang krimen dakong alas-9:30 ng gabi matapos na magkasagutan ang mag-utol na biktima at mag-utol na suspek.
Ayon kay PO2 Apolinario Tolentino, inakusahan ng mag-utol na suspek ang dalawang pamangkin ng mga biktima na sina Efren Santos Jr. at Norie Gonzales na nambato ng brgy. officials ngunit pinabulaanan naman ng dalawa.
Dito na nagkaroon ng komprontasyon ang mga biktima at suspek hanggang sa maganap ang krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended