Shipping company binomba
September 13, 2002 | 12:00am
COTABATO CITY Pinasabog ng mga kasapi ng kilabot na grupo ng extortionist na kaalyado ng Pentagon kidnap-for-ransom gang ang operations center ng WG & A Shipping Company sa Sultan Kudarat, Maguindanao na ikinasugat ng malubha ng dalawang security guard kahapon.
Sina Felino Maguate at Salvador Cortez na nagbabantay ay nagtamo ng maraming sugat sa katawan mula sa shrapnels ng dalawang M-67 fragmentation grenades na inihagis ng dalawang grupo ng kalalakihang hindi nakilala.
Ang naganap na pagpapasabog sa shipping company ay makalipas lamang ang 13 oras matapos na pasabugin din ang bahay ni Alikhan Marohombsar, regional director ng Department of Budget and Management sa Central Mindanao.
Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan si Marohombsar makaraang pasabugan ng granada ang bubungan ng kanyang bahay.
Sa nakalap ng impormasyon mula sa mga saksi, namataan nila ang dalawang grupo ng kalalakihan na papalapit sa kompanya ng WG & A mula sa magkahiwalay na direksyon saka naghagis ng granada bago palakad na tumakas na parang walang nangyari.
Pinakalat ni Sultan Kudarat Mayor Datu Tucao Mastura ang mga kagawad ng barangay upang tulungan ang kapulisan na madakip ang mga suspek at sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni John Unson)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
18 hours ago
Recommended