Hukom sinibak ng Korte Suprema

CATBALOGAN, Samar – Tuluyang sinibak sa puwesto ang isang hukom ng Laoang, Northern Samar Regional Trial Court ng Korte Suprema matapos na mapatunayang guilty sa limang kasong kriminal at administratibo na isinampa laban sa kanya.

Sa 32-pahinang en banc desisyon ng Supreme Court na may petsang Agosto 21, 2001, sinibak bilang hukom si Judge Jose H. Mijares ng Branch 21 sa serbisyo at hindi na muling makapapasok sa alinmang ahensya ng pamahalaan o kompanya na kontrolado ng gobyerno at walang makukuhang benepisyo sa pagreretiro ngunit babayaran ng korte ang natitirang bakasyon.

Si Judge Mijares na nagsilbi ng 23-taon sa korte sa permanent station sa RTC Branch 26, San Juan, Southern, Leyte ay napatunayang nagkasala ng dishonesty, ignorance of the law at corrupt judiciary official.

Dahil sa reklamo ni Oscar H. Poso sa Korte Suprema sa ipinataw na sentensya ni Judge Mjares sa akusadong si Virgilio de Guia na ginawang homicide imbes na murder ay nabigyan tuloy ng piyansya at kasalukuyang nakalalaya.

Hindi lamang ito ang unang reklamo na naisampa sa Korte Suprema laban kay Judge Mijares, ayon pa sa Korte Suprema. (Ulat ni Ricky J. Bautista)

Show comments