^

Probinsiya

7 drug pushers nasakote

-
Pito katao na pinaniniwalaang nagpapakalat ng pinagbabawal na gamot ang iniulat na nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang magkakahiwalay na drug bust operation sa Cavite, Bulacan at Quezon.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Joan Mendoza, Rolando dela Rosa na kapwa residente ng Brgy. Niog, Bacoor, Cavite; Reynard Dahan ng Brgy. Salitran 3, Dasmariñas, Cavite; mag-utol na Jamila at Norma Usman ng Brgy. Guyong, Sta. Maria, Bulacan, Arlene Pulumbarit ng Brgy. San Agustin, San Rafael, Bulacan at Zenith Penamante ng Brgy. Poblacion, Infanta, Quezon.

Sa ulat ng pulisya, sina Mendoza at Dela Rosa ay nakumpiskahan ng 30 gramo at isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana, habang si Dahan ay nasamsaman ng 50 gramo ng marijuana.

Sa isinagawang buy-bust operation ng pulis-Bulacan ay inaresto naman ang mag-utol na Usman dahil sa 50 gramo ng shabu at si Pulumbarit ay naaktuhang nagbebenta ng shabu sachet.

Samantala, si Penamante ay inaresto ng pulisya dahil sa pag-iingat ng hindi pa nabatid na gramo ng cocaine sa Brgy. Bantilan, Infanta, Quezon. (Cristina Go-Timbang/Lanie Sapitanan/Efren Alcantara at Ed Amoroso)

vuukle comment

ARLENE PULUMBARIT

BRGY

BULACAN

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DELA ROSA

ED AMOROSO

EFREN ALCANTARA

JOAN MENDOZA

LANIE SAPITANAN

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with