3 pulis kinidnap ng NPA rebels
August 30, 2002 | 12:00am
Pinaniniwalaang kinidnap ang tatlong pulis ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) matapos na rumesponde sa naganap na ambush sa kanilang hepe sa Sitio Matuk-Ak, Brgy. Bulado, Vallehermoso, Negros Oriental kamakalawa.
Kasalukuyang nagsasagawa ng search and rescue operation ang kapulisan ng Negros Oriental upang sagipin ng buhay sina P/Sr. Insp. Ramil Viscaya, SPO4 Jamie Provichado at SPO4 Modesto Lagusad.
Sa nakarating na ulat mula sa Camp Crame, inambus at napatay sina P/Insp. Leopito Gallego at driver nitong si PO3 Cipriano Saludes noong Martes ng hapon, Agosto 27, 2002 dakong alas-3:40 ng hapon habang sa naturang lugar patungo sa Dumaguete City.
Kumalat ang balitang inambus sina Gallego at Saludes kaya mabilis naman rumesponde ang tatlong pulis at nagkaroon ng panibagong sagupaan na ikinasugat nina PO3 Walden Flores, SPO2 Cecilio Nilles at PO2 Raghuver Besario.
Makaraang humupa ang putukan ay nawawala na ang tatlong pulis na kasamahan ng nasugatang pulis na pinalalagay na dinukot ng mga rebeldeng tumakas. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest