^

Probinsiya

P1-M puslit na TV sets nasabat

-
SUBIC BAY FREEPORT – Umaabot sa labinlimang imported brand new television na pinaniniwalaang tangkang ipuslit ang nasabat ng mga ahente ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) ng Bureau of Customs habang lulan ng van sa labas ng Subic Bay Freeport kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Lt. Marlon Alameda, Deputy Customs police na ang kontrabando na nagkakahalagang P1-milyon ay sakay ng L300 van (UKA-635) na minamaneho ni Antonio M. Tuquib Jr.

Walang maipakitang kaukulang papeles si Tuquib Jr. kina Benjamin Alvarez at Rico Reyes, kapwa Customs special agent na nakasabat sa kontrabando sa Dewey Avenue, Subic Bay Freeport dakong alas-10 ng gabi.

Sa naging pahayag naman kay Capt. Elpidio Manuel, hepe ng Customs police sa SBMA na dapat na idiskarga ang mga telebisyon sa Royal Duty Free shop at Traders Inc. para ibenta ngunit sinikretong ipinuslit palabas.

Ayon sa drayber ng van, hindi naman ipinuslit ang mga telebisyon bagkus ay inutusan lamang siya ng isang nagngangalang Isabel Lagunday na kunin ang kontrabando sa bodega ng Eagle Global Logistics. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ANTONIO M

BENJAMIN ALVAREZ

BUREAU OF CUSTOMS

DEPUTY CUSTOMS

DEWEY AVENUE

EAGLE GLOBAL LOGISTICS

ELPIDIO MANUEL

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

ISABEL LAGUNDAY

SUBIC BAY FREEPORT

TUQUIB JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with