Kinilala ang suspek na si Roberta Ewan, tubong Leyte at umanoy kilalang kilabot na tulak sa lugar na ito.
Isang ulat ang natanggap ng mga Rodriguez Police kaugnay ng ilegal na gawain ni Ewan kung kayat isinailalim ito sa isang surveillance at nang maging positibo ay pinainan ito ng pekeng buyer na pulis. Dakong alas-2:45 ng hapon nang tunguhin ng poseur buyer ang bahay ni Ewan at bumili ng droga. Aktong iniaabot ni Ewan sa mismong trangkahan ng bahay nito sa poseur buyer ang may 10 gramo ng droga ng ito ay dakmain. (Ulat ni Joy Cantos)