Manananggal namataan sa La Union
August 19, 2002 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, La Union Imbis na fetus ng buntis na babae ang hanapin nang namataang manananggal na lumapag sa bubong ng estasyon ng radyo sa Wallace Air Station ay pinaniniwalaang ibig nitong makita ng personal si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na dumating noong Biyernes ng umaga.
Napag-alaman sa sister radio station (DZNL) ng Manila Broadcasting Company (MBC) na isang security guard ng Voice of America compound ang nakakita sa kalahating katawan ng babae na lumilipad at lumapag sa bubong ng power house bandang alas-12:30 ng madaling-araw ilang oras bago dumating ang Pangulo sa nabanggit na lungsod.
Kaya naman biglang kumalat na parang apoy ang balita at nagkaroon ng haka-haka ang mga residente na posibleng ibig lamang makita ng harapan ang kanyang idol na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na naging kontrobersyal na "manananggal" din ng mga tiwaling opisyales ng pamahalaan.
Ilan naman sa mga residente ng nabanggit na lungsod ay hindi kinagat ang kumalat na balita at ang iba naman ay nag-isip nga kung may katotohanan ang napaulat.
Hindi naman kaagad nabatid kung naipagbigay-alam ang kumalat na balita sa Pangulo na nagtungo sa naturang lungsod upang bigyan ng moral support ang naisalbang dinukot na si Jakie Rowena Tiu.
Magugunita na noong 1998 ay may namataan din ang residente na manananggal na umaaligid sa mga kabahayan na pinaniniwalaang naghahanap ng mabibiktima. (Ulat ni Artemio Dumlao)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest