5 grabe sa grenade explosion
August 18, 2002 | 12:00am
CAMP CRAME Limang sibilyan ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang masabugan nang inihagis na granada ng isang lalaki na pinaniniwalaang kasapi ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) lost command habang ang mga biktima ay nakatayo sa harap ng furniture shop at tindahan sa kahabaan ng Quezon Boulevard, Davao City.
Kasalukuyang ginagamot sa Davao Medical Center sina Mary Ann Mendoza, 18; Edwin Macayra, 19; Ariel Aries Cadugnog, 14; Agilo Casimero, 27 at Philip Tesyoma 17-anyos.
Base sa ulat ng pulisya, ilan sa mga nakasaksi ang nakakita sa isang hindi pa nakikilalang lalaki na kahina-hinala ang ikinikilos at bigla na lamang naghagis ng granada sa kinatatayuan ng mga biktima bandang alas-9 ng gabi. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended