Bilanggo nagbigti sa selda

NAGA CITY – Isang bilanggo ang natagpuan na lamang ng mga awtoridad na nakabitin sa loob ng kanyang selda sa Naga City Detention Cell na tinatayang nagbigti kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Nakilala ang bilanggong nasawi na si Aurelio Salinas Jr., 22, binata at residente ng Zone 6, Barangay Dayangdang sa lungsod na ito.

Batay sa ulat ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-10 ng gabi na nakabitin sa loob ng kanyang selda gamit ang baro na ginawang lubid at saka itinali sa kanyang leeg na ibinitin sa bakal ng naturang selda.

Nabatid na huling nakitang buhay ang biktima ng ito ay kumain ng hapunan at naobserbahan na parang matamlay ng gabing iyon sa loob ng kanyang kulungan. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments